San Juan City, kinilala ng MMDA dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa sa paggamit ng sigarilyo at iba pang tobacco-related products

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Lungsod ng San Juan dahil sa mahigpit na pagpapatupad nito ng ordinansa na kumokontrol sa pagbebenta, paggamit, pamamahagi, at pag-advertise ng sigarilyo at tobacco-related products sa lungsod.

Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, kinikilala ng ahensya ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagprotekta sa mga resident nito mula sa panganib ng paninigarilyo, kabilang ang vape at e-cigarettes.

Batay sa Ordinance 14 Series of 2024, o ang “Comprehensive Smoke-Free and Vape-Free Ordinance of San Juan City” nagtatakda ito ng mahigpit na pamantayan para sa mga itinalagang lugar ng paninigarilyo at pagve-vape, upang mabawasan ang pagkakalantad ng publiko sa mga harmful substance.

Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin mula P2,000 hanggang P5,000.

Alinsunod na rin ito sa “Framework Convention on Tobacco Control ng World Health Organization, kung saan binibigyang diin ng ordinansa na pangalagaan ang kalusugan ng lahat ng mamamayan at putulin ang kultura ng paninigarilyo, at paggamit ng tabako lalo na sa mga kabataan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us