Magbabawas na rin ng tubig ang San Roque Dam sa Pangasinan mamayang 3PM sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa abiso ng PAGASA, magbubukas ng isang gate ang San Roque na may taas na 0.5 meters at magdi-discharge ng hanggang 53 cubic meters per second.
Inaabisuhan ang mga residente na maging alerto sa mga low lying areas sa mga bayan ng SanManuel, San Nicolas,Tayug, Sta Maria, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista,Rosales, at Bayambang.
Kaninang 10AM, nagsimula na ring magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Bulacan. Isang gate ang binuksan at nagpapakawala ng tubig ng hanggang 35 cms.
Inalerto na rin ang mga residente sa mga posibleng maapektuhang lugar sa Norzagaray, Angat,San Rafael, Bustos, Baliwag, Pulilan , Plaridel, Calumpit, Paombong at Hagonoy.
Ayon sa PAGASA, nauna nang nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela at Binga dam sa Benguet. | ulat ni Rey Ferrer