Lumagda sa isang kasunduam ang OFW Party-list sa pangunguna ni Representative Marissa Magsino, kasama ang University of Perpetual Help System DALTA (PHSD)-Las Piñas.
Para ito sa pagbibigay ng graduate scholarship para sa mga OFW at kanilang mga pamilya, upang mapalawig pa ang kanilang educational opportunities.
Ayon kay Magsino, sa ilalim ng programa i-eendorso ng OFW Party-list ang mga kwalipikadong estudyante para sa graduate programs sa business, education, nursing, at public administration sa kanilang Las Piñas campus.
Lahat ng aplikante na may bachelors degree mula sa CHED-recognized institutions ay bibigyan ng 50% na scholarship sa PHSD oras na pumasa sa entrance exam at makapagsumite ng mga requirements.
“We are grateful to UPHSD for opening the opportunity to our OFWs and their families to take up further studies. Mayroon tayong mga OFWs at kanilang kapamilya na nais itaas pa ang kaalaman at makakuha ng Masters Degree subalit mabigat ito sa bulsa. Kaya malaking tulong ang 50% scholarship na kanilang ibibigay.” sabi ni Magsino. | ulat ni Kathleen Forbes