Naniniwala si Senator Cynthia Villar na walang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang namamagitang tensyon ngayon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ito ay kasunod na rin ng mga naging pahayag ni VP Sara laban kay Pangulong Marcos at sa first family nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Villar, nakadepende ang ekonomiya ng bansa sa mga tamang polisiya para sa pagnenegosyo at hindi sa takbo ng pulitika.
Maging ang mga foreign investor aniya ay nakatingin sa economic policies ng gobyerno, partikular sa pagresolba sa mataas na singil sa kuryente, mataas na interest rates, at mga imprastraktura.
Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Senador Villar na magkakasundo rin ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion