Para kay Senate President Chiz Escudero, maliit ang tiyansa na makapasa ang anti-dynasty bill ngayong 19th Congress.
Paliwanag ni Escudero, sa ngayon ay wala pa kasing bersyon na naglalaman ng malinaw na depinisyon at sakop ng matatawag na political dynasty.
Kahit nasimulan na aniya sa BARMM at SK elections ang pagpapatupad ng anit dynasty law ay mahirap naman itong ibalangkas sa national level.
Inamin ng senador na dahil maging siya ay produkto ng political dynasty, bilang minana niya lang ang kanyang congressional seat sa kanyang ama, ay hindi siya pwedeng maaaring makisali sa pagbuo ng konsepto ng anti dynasty bill.
Maaari kasi aniya itong maituring na conflict of interest.
Pero kung kakaialanganin ng aniya boto para dito ay tiyak na boboto siyang pabor sa panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion