Hindi kumbinsido si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa testimonya ni Mary Ann Maslog lalo na’t una sa lahat ay hindi naman aniya kapani-paniwala ang pagkatao nito.
Pinunto ni Estrada na marami nang mga scam na ginawa itong si Maslog sa America kaya wanted rin ito doon.
Samantalang dito naman sa Pilipinas ay may kinakaharap pa itong kaso tungkol sa textbook scam noong 1998 at para maiwasan ito ay nagpanggap si Maslog na patay na.
Sinabi ng senador na kwestiyonable ang claim ni Maslog na tumulong siya sa pagpapabalik-bansa kay dating Mayor Alice Guo dito sa Pilipinas dahil hindi naman ito awtorisadong gawin iyon.
S naging pagdinig kahapon, sinabi ni Maslog na dalawang beses niya ring nadalaw si Guo noong nakakulong pa ito sa custodial center ng Camp Crame.
Aniya, dapat maimbestigahan rin ng mga awtoridad si Maslog.
Sa gitna na rin aniya ito ng nakuhang impormasyon ni Estrada na tumulong rin si Maslog na makatakas si Guo palabas ng Pilipinas.| ulat ni Nimfa Asuncion