Sen. Gatchalian, kumpiyansang maaaprubahan ang Anti POGO bill ngayong 19th Congress

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol sa total POGO ban sa bansa bago matapos ang 19th Congress.

Ayon kay Gatchalian, may oras pa para maaprubahan ang panukala bago magsara ang 19th Congress sa June 2025.

Aniya, simple lang naman ang panukalang ito dagdag pa ang nauna nang utos ni Pangulong Marcos na ganap nang ipagbawal ang POGO sa bansa bago matapos ang taon.

Sa parte ng Senado, nakatakda nang magpulong ang binuong technical working group (TWG) ng Senate Committee on Ways and Means sa Huwebes para ipulido ang Anti POGO bill.

Tiniyak ni Gatchalian, na ipaprayoridad ito ng kanilang komite para na rin makasabay sa Anti POGO bill ng Kamara. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us