Sen. Go, iminungkahing isama sa PhilHealth coverage ang emergency outpatient services

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama sa coverage ng benepisyo nito ang mga emergency outpatient services.

Sa kasalukuyan kasi, ang tanging sakop lang ng PhilHealth ay ang mga pasyenteng naka-admit sa mga ospital.

Ipinunto ni Go, na ilang mga pasyente na hindi naman kailangang ma-confine ang nagdedesisyong magpa-admit para lang makakuha ng PhilHealth benefit.

Aniya, mas mura namang bumili na lang ng gamot kaysa magbayad ng kwarto sa ospital.

Kaya naman hinikayat ng senador na rebyuhin ng state insurer ang kanilang polisiya, at ikonsidera ang suhestiyong i-cover na rin ang emergency outpatient services.

Hinimok rin ni Go ang PhilHealth, na pagtutuunan ng pansin ang preventive care gaya ng regular check-ups, dental cleaning, at early intervention sa mga minor health concern.

Dinagdag rin ng mambabatas, na ikonsidera ng PhilHealth na i-cover na rin ang gastos para sa prescription glasses at iba pang assistive device gaya ng mga wheel chair at crutches. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us