Sen. Hontiveros: Mga lumalabag sa batas, di dapat maging mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa taumbayan na huwag hayaang mahalal bilang mambabatas ang mga lumalabag sa batas.

Ito ang reaksyon ng senador sa paghahain ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy ng certificate of candidacy (COC) para tumakbong senador sa 2025 elections.

Ipinahayag ni Hontiveros, na karapatan nga ng bawat isa sa mga Pilipino na tumakbo para maglingkod sa bayan…

Gayunpaman, nagtitiwala ang senador na may sapat na kaalaman ang mga botanteng Pinoy para gamitin ang kanilang karapatang pumili ng ating mga lider para hindi iboto si Quiboloy.

Giit ni Hontiveros, dapat magkaroon naman ng kaunting hiya si Quiboloy.

Hindi aniya makapaniwala ang senador na nagkaroon pa ng lakas ng loob si Quiboloy na iprisinta ang kanyang sarili, sa kabila ng hinaharap nitong patong-patong na mga kaso gaya ng human trafficking at child abuse, at nagtago pa sa batas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us