Sen. JV Ejercito, isinusulong ang ASEAN+3 peace dialogue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Deputy Majority Leader JV Ejercito sa mga kasapi ng ASEAN+3 Parliamentarians na palakasin ang diyalogo para sa pagtugon sa mga hamon sa kapayapaan at seguridad partikular sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni Ejercito ang pahayag sa ginanap na 149th Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly sa Geneva, Switzerland.

Giniit ng senador, na kailangan ng direkta at bukas na talakayan sa pagresolba sa tensyon at pagpapanatili ng katatagan sa rehiyon.

Umaasa aniya ang mambabatas na mabibigyang linaw ng isinusulong na parliamentary dialogue ang mga isyu ng harassment at pananakot, na madalas nararanasan ng Pilipinas at ng mga kalapit na bansa.

Hinimok din ni Ejercito ang mga kapwa parliamentarian na suportahan ang diplomatic efforts partikular na sa negosasyon, para sa itinutulak na ASEAN-China Code of Conduct in the West Philippine Sea.

Sa parte aniya ng Pilipinas, nananatili tayong determinado sa pagdepensa ng ating soberanya, sovereign rights at hurisdiksyon sa WPS.

Nagpasalamat din si Ejercito sa mga kaibigang bansa at sa iba pang mga bansang sumamang manindigan sa Pilipinas para sa pagpreserba, pagtatanggol, at pagpapalakas ng rules-based regional order. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us