Nakapulong ni Senate President Chiz Escudero at ni Senate Deputy Mmajority leader JV Ejercito sina Defense Sec. Gibo Teodoro at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ngayong araw sa Senado.
Ayon kay Ejercito, kabilang sa mga napag-usapan ay ang kulang na budget ng Department of National Defense (DND) para sa susunod na taon, lalo na para AFP modernization program.
Nasa P250 billion kasi ang hiling sana ng DND para sa APF moderinization program.
Gayunpaman, sa ilalim ng 2025 national expenditure program (NEP), P75 billion ang nailaan para sa naturang programa kung saan P50 billion lang ang nasa line item habang ang P25 billion ay nasa ilalim ng unprogrammed appropriations o hindi pa tiyak ang pagkukunan ng pondo.
Giit ni Ejercito, gagawin niya ang kanyang makakaya para madagdagan ang pondo ng DND lalo na’t malaki pa ang dapat habulin ng ating bansa pagdating sa modernisasyon ng mga gamit ng ating militar.
Binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng pag-upgrade ng mga kagamitan ng ating AFP lalo na sa gitna ng sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea.
Umaasa ang mambabatas na mapapataas nila sa Senado ang budget para sa modernization, kahit hanggang P100 billion man lang.| ulat ni Nimfa Asuncion