Sen. Poe, isinusulong na mabigyan ng prangkisa ang Starlink

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senator Grace Poe ng panukalang batas na layong gawaran ng prangkisa ang Starlink Internet Services Philippines Inc. para mapahintulutan itong makapagbigay ng internet service sa bansa, lalo na sa mga malalayong sulok ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Senate bill 2844, tinukoy na kailangan ang prangkisa para makapag operate ng satellite ground stations ang Starlink.

Ayon kay Poe, inaasahang mapupunan ng Starlink ang digital gap sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng satellite-based internet connectivity sa mga lugar na hindi pa sakop ng traditional network, at sa mga malalayong sulok ng bansa na mahirap tayuan ng telecommunications infrastructure.

Una nang nagawaran ng accreditation ang Starlink bilang isang Satellite Systems Provider at Operator ng Department in Information and Communications Technology (DICT)

Rehistrado rin ito bilang isang value-added service provider ng National Telecommunications Commission (NTC).

Bagamat pinapayagan nang makapag operate sa bansa, makakatulong ang pagkakaroon ng legislative franchise para mas mapaganda ang serbisyo ng kumpanya sa pamamagitan ng pagpapatayo at pag ooperate ng gateway earth stations.

Sa ilalim ng Republic Act 3846 o ang Radio Control Act, ang mga gateway earth station ay itinuturing bilang ‘radio stations’ na kinakailangan ng legislative franchise. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us