Sen. Raffy Tulfo, hinikayat ang mga Pinoy sa Lebanon na lumikas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo sa mga Pilipinong kasalukuyang nasa Lebanon na lumikas na sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah group.

Una nang nagkaroon ng delay sa pagpapauwi ng mga OFW mula Lebanon dahil sa mga kanseladong outbound flights doon bunsod ng patuloy na mga pagsabog sa Beirut.

Ayon kay Tulfo, kasalukuyan na siyang nakikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tiyakin na ang mga kababayan natin na boluntaryong nagpapa-repatriate ay mananatiling ligtas habang hindi pa nakakauwi ng bansa.

Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang lahat ng mga Pilipinong nasa Lebanon na kung maaari ay lumikas na at makipag-ugnayan sa gobyerno para mapabilis ang pag-uwi ng Pilipinas.

Hindi na aniya dapat hintayin pang mas lumala ang tensyon doon bago sila magdesisyong umuwi ng bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us