Sen. Raffy Tulfo sa DFA: Tiyaking matutulungan ang mga Pinay na biktima ng ‘baby making’ scheme sa Cambodia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasusubaybayan ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senator Raffy Tulfo sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang sitwasyon tungkol sa napaulat na pagkakasangkot ng mga Pilipina sa ‘baby making’ scheme sa Cambodia.

Ayon kay Tulfo, nakakalungkot na marinig ang ulat na may 20 Pilipina na naging biktima ng human trafficking at sexual exploitation sa Cambodia, at nagagamit sa surrogacy o ginagawang mga baby maker.

Tiniyak naman aniya ni Department of Foreign Affiars (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa senador, na ginagawa ng DFA ang lahat para matulungan ang mga Pinay na biktima nito, at gagawin ng Philippine Embassy sa Phnom Penh ang lahat para sa pagpapabalik sa bansa ng ating mga kababayan.

Hiniling rin ng senador na makausap ang mga biktima para malaman din kung anong mga tulong pa ang kakailanganin nila.

Gayunpaman, hindi pa aniya ito posible ngayon dahil nasa police custody pa ang mga ito.

Balak rin maghain ni Tulfo ng resolusyon para masusing imbestigahan ang kasong ito sa Senado, at mapanagot ang lahat ng sangkot sa illegal scheme na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us