Binigyang diin ni Senador Joel Villanueva na dapat ay may sarili ring imbestigasyon na gawin ang gobyerno tungkol sa impormasyon na isang Chinese spy si dismissed Mayor Alice Guo.
Matatandaang ang impormasyon na ito ay mula sa report ng international news agency na Al Jazeera.
Ayon kay Villanueva, hindi natin dapat agad tanggapin ang impormasyon na ito at dapat itong dumaan sa sariling pagsisiyasat at beripikasyon ng ating gobyerno.
Dapat aniyang ipakita ng ating mga security at intelligence agencies na may sariling kakayahan ang ating bansa na gampanan ang kanilang mga tungkulin.
Tinawag naman na ‘absurd’ ni Villanueva ang posibilidad na muling tumakbo sa pagka-alkalde si Guo.
Giit ng senador, napatunayan nang peke ang birth certificate nito.
Napatunayn na rin aniya ng mga NBI, mula sa fingerprints at iba pang mga bagay, na iisa lang si dating Mayor Alice at ang Chinese national na si Guo Hua Ping.| ulat ni Nimfa Asuncion