Magkasunod na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy sina incumbent Sen. Cynthia Villar at ang kontrobersyal na si Rose Nono Lin.
Naghain ng certificate of candidacy ngayong umaga si Rose Nono Lin.
Muli siyang susubok tumakbo sa pagka kongresista ng 5th district ng Quezon City.
Naging kontrobersyal si Lin matapos masangkot siya sa multi million peso anomaly sa COVID-19 supplies procurement.
Tumanggi naman sumagot si Lin nang mausisa sa kaniyang koneksyon sa POGO na kasalukuyan nang may show cause order.
Si Sen. Villar naman, sinamahan ng dating Senate President Manny Villar at mga anak na si incumbent Cong. Camille Villar at incumbent Sen. Mark Villar sa paghahain ng COC.
Tatakbo ang senadora bilang kinatawan ng lone district ng Las Piñas.
Naniniwala naman si Villar na hindi political dynasty ngunit family legacy ang pagiging bahagi ng kanilang pamilya sa politika.
Aniya mula sa kaniyang ama na naging congressman ng Las Piñas ay ipinamana aniya sa kanila ang pagmamahal sa lungsod sa pamamagitan ng pagsisilbi. | ulat ni Kathleen Forbes