Senate Blue Ribbon Committee, pwedeng manguna sa imbestigasyon ng war on drugs ng Duterte admin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminumungkahi ni Senate President Chiz Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee muna ang humawak ng Senate inquiry tungkol sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang naka break pa ang sesyon ng Senado.


Sa isang panayam, sinabi ni Escudero, na sa ilalim kasi ng rules ng senado, ang Blue Ribbon Committee lang ang may motu propio powers o ang pwedeng magkasa ng senate inquiry kahit walang resolusyon.


Sakali aniyang mag resume na ang sesyon ng senado, pwedeng ang Senate Committee on Justice na ang humawak ng pagdinig.


Pero nilinaw ni Escudero, na sa ngayon ay hindi pa ito pinal dahil mag uusap pa sila ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ngayong weekend kung kailan nito nais isagawa ang pagdinig, kung ngayong naka recess ang sesyon o pag resume na lang nila.


Sa kabilang banda, hindi pa rin naman isinasantabi ng senate president ang opsyon na ang Senate Committee of the Whole ang pagdinig. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us