Senate inquiry sa kaso ng mga Pinay na ginagawang ‘baby maker’ sa Cambodia, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros na maimbestigahan sa Senado ang napaulat na kaso ng mga Pilipinang nasagip sa Cambodia na ginawang “baby-maker” o surrogate mothers.

Sa inihaing Senate Resolution 1211 ni Hontiveros, itinutulak na masilip ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang human-trafficking case na ito sa mga Pinay sa abroad na naging bahagi ng infant-trafficking scheme.

Base sa ulat, 20 Pilipina ang nasagip ng mga Cambodian police sa Kandal province na ginagamit para sa surrogacy o pagbubuntis para sa anak ng iba.

Sa bilang na ito, 13 ang nagbubuntis ngayon at kinasuhan na ng human trafficking-related cases ng Cambodian Kandal Province Court habang ang pito ay napag-alamang may immigration offense at pinaalis na ng Cambodia.

Sinasabing na-recruit ang mga Pinay online at ang ilan sa mga ito ay alam kung ano ang papasukin nilang gawain sa ibang bansa.

Una nang nagbabala ang DFA tungkol sa bagong human-trafficking scheme na tuma-target ngayon sa mga Pinay. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us