Senate inquiry tungkol sa war on drugs ng Duterte administration, itinakda na sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagawin na sa Lunes, October 28, ang pagdinig ng Senado tungkol sa war on drugs ng Duterte administration.

Ito ayon kay Senate minority leader Koko Pimentel, na siyang nakatakdang manguna sa naturang Senate inquiry.

Ayon kay Pimentel, alas-10:00 ng umaga nakatakdang magsimula ang pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee.

Sa ngayon ay isinasapinal pa aniya kung sino ang mga iimbitahan sa pagdinig.

Sinabi ng minority leader na kokonsultahin pa nila ang ibang mga senador kung sinu-sino ang mga nais nilang gawing resource person sa ikakasang senate inquiry.

Una nang sinabi ni Pimentel na kabilang sa mga plano niyang imbitahan sa pagdinig si dating PCSO General Manager Royina Garma dahil sa mga isiniwalat nito sa pagdinig ng QuadComm ng Kamara.

Samantalang, iimbitahan lang aniya si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung may magbabanggit o magdidiin dito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us