Giniit ni Senate President Chiz Escudero na walang dahilan para mag indefinite leave sina senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at senador Christopher ‘Bong’ Go.
Ito ang tugon ng Senate President sa panawagan na mag-leave muna ang dalawang senador habang iniimbestigahan ang drug war ng Duterte administration dahil dawit sila sa isyu.
Ayon kay Escudero, hindi pa naman ito imbestigasyon sa korte kaugnay ng paggawa ng isang krimen.
Imbestigasyon pa lang aniya ito ng kongreso at ng senado kung saan wala pang naihahain o naisasampang kaso.
Sinabi rin ni Escudero na mabibigyan ng pagkakataon sina dela Rosa at Go na magtanong saga resource person, depensahan ang kanilang sarili at magbigay ng personal nilang nalalaman sa usapin. | ulat ni Nimfa Asuncion