September inflation, bumagal sa 1.9% — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling bumagal ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng Setyembre.

Sa ulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 1.9% ang September inflation mula sa 3.3% ang inflation noong Agosto.

Ang average inflation na rin sa bansa mula Enero hanggang Setyembre ay nasa antas na 3.4%.

Paliwanag ng PSA, nangungunang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw sa presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 4.9% inflation kabilang ang bigas, at kamatis.

Bumagal rin ang inflation sa transport partikular sa presyo ng gasolina at diesel pati na sa LPG at singil sa kuryente.

Pagdating sa National Capital Region (NCR), bumagal rin sa 1.7% ang inflation nitong Setyembre gayundin sa labas ng Metro Manila na nasa 2%. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us