Signal no. 1, nakataas sa ilang lugar sa bansa dahil sa banta ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa ilalim ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang lugar sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kristine.

Batay sa 5am weather bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal no. 1 ang:

Luzon
Catanduanes

Visayas
Northeastern portion ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Catubig, Lapinig) at northeastern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras)

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa silangan ng southeastern Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran timog kanluran sa bilis na 30 km/h.

Inaasahan naman ng PAGASA na lalakas ang bagyong Kristine at magiging isang tropical storm sa susunod na 12 oras.

Maaaring umabot pa ito sa kategoryang severe tropical storm pagsapit ng hapon o gabi bukas at typhoon category pagsapit ng Huwebes ng hapon o gabi.

Posible rin itong tumama sa kalupaan ng Northern Luzon pagsapit ng hapon ng Biyernes. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us