Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na bababa ang kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Meralco Spokesman at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, P0.36 per kWh ang inaasahang mababawas sa buwanang billing.
Paliwanag ni Zaldarriaga, dulot ito ng pagbaba ng transmission charge na ipinapasa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dulot ng ancillary services na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Maliban dito, bumaba rin ang singil sa generation charge na siyang nakahatak din sa pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan.
Dahil dito, asahan na ang P72 bawas singil sa para sa mga Meralco customer na kumokonsumo ng 200 kWh habang P179 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kWh na kuryente. | ulat ni Jaymark Dagala