Siyensya, teknolohiya at inobasyon ng Pilipinas, lumago sa ilalim ng pamumuno ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ni Speaker Martin Romualdez sa international community ang mga nakamit na pagbabago ng Pilipinas sa larangan ng siyensya, teknolohiya at inobasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ginawa ito ng lider ng Kamara sa kaniyang pagdalo sa ika-149 Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly sa Geneva, Switzerland kung saan kasama ang ilan sa mga mambabatas ng Kamara at Senado.

Inilahad nito ang pabuo ng National Innovation Council na titiyak na ang mga inobasyon ay nakapaloob sa mga prayoridad na hakbang ng bansa para sa pagkamit ng sosyo-ekonomikong pag-unlad.

Magiging gabay sa pagkamit nito ang National Innovation Agenda and Strategy Document, isang 10-year policy vision, goals, at strategies kung paano pagbutihin ang innovation governance, pagpapalalim at pagpapabilis sa inobasyon, at pagsasama ng public-private partnerships para masigurong walang Pilipino ang maiiwan.

Pagbabahagi pa ng House Speaker na nakasuporta ang Kongreso ng Pilipinas sa 2030 Agenda for Sustainable Development, at nakapagpasa ng mga batas para pag ibayuhin ang innovation governance sa Pilipinas.

Kabilang dito ang Republic Act No. 11293, o “Philippine Innovation Act;” Republic Act No. 11927, o “Philippine Digital Workforce Competitiveness Act;” at Republic Act No. 10055, o “Technology Transfer Act of 2009.”

Nagresulta naman aniya ito para umangat ang Pilipinas sa ranking ng 2024 Global Innovation Index ng World Property Organization, na sumusukat sa innovation-based performance ng 130 higit na mga ekonomiya.

Mula pang-59 na pwesto noong 2023 ay umakyat ang Pilipinas sa ika-56 ngayong taon

“With all these legislation, policies and programs, in terms of innovation governance, the Philippines’ Global Innovation Index has been increasing over the last decade. In fact, the Philippines is recognized as one of the middle-income economies with the fastest innovation catch up,” sabi ni Speaker Romualdez sa mga dumalo sa IPU

Dagdag pa niya, na mahalaga ang science, technology at innovation sa pagtugon sa mga isyu na hinaharap ng mga maunlad at papaunlad pa lang na mga bansa.

Ang limang araw na pulong ng IPU ay may temang, “Harnessing Science, Technology and Innovation for a More Peaceful and Sustainable Future.” | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us