Kabilang sa amyendang itinulak ng small committee ng Kamara para sa 2025 General Appropriations Bill ang dagdag na pondo para sa social services ng pamahalaan at food security programs.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, dagdag na P292.23 billion ang inilaan maliban pa sa P591.8 billion na unang inilaan ng DBM sa ilalim ng P6.352 trillion national budget.
“The additional funding is crucial for supporting those in need. We’re providing assistance to struggling families especially during these challenging times,” sabi ni Co
Kabilang dito ang dagdag na tig-P39.8 billion para sa AICS at AKAP program.
Marami kasi aniya ang sumusuporta sa AKAP na target tulungan ang mga nasa near poor at lower middle class na kumikita ng P21,000 o mas mababa kada buwan.
Mayroon ding P3.4 billion para sa Sustainable Livelihood Program na makapgbibigay ng kabuhayan at makaahon sa kahirapan.
Nag re-align din ng pondo na P56.87-billion ang small committee para paigtingin ang Health Facility Enhancement Program, Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program, at pagsasaayos ng specialty at legacy hospitals.
Bukod pa ito sa P1-billion budget para i-upgrade ang UP-PGH.
“Healthcare is a fundamental right, and we must ensure that all Filipinos have access to quality medical services,” ani Co
Ayon naman kay Marikina Representative at Appropriations Committee Senior Vice Chairman Stella Quimbo, mayroon ding dagdag na P20.28 billion ang TUPAD program ng DOLE at Government Internship Program.
Ito ay para matiuak na ang mga nasa poverty threshold ay hindi na bumali ksa kahirapan sa gitna ng mga economic challenges.
Mayoon din aniyang P30.01 billion para sa scholarship program ng mga mahihirap na estudyante na papasok sa kolehiyo na hahatiin sa Tertiary Education Subsidy ng CHED at Tulong Dunong programs.
“Investing in education is investing in the future. Every child deserves the chance to learn and succeed,” ani Quimbo
Dagdag na P7 billion ang ibinigay naman sa DEPED para sa pagpapatayo at pagsasa-ayos ng mga eskuwelahan.
Sa pagpapalakas naman ng food security, may realignment na P30 billion para sa Philippine Irrigation Network Piping System, solar-powered irrigation systems, at cold storage projects ng DA.
Madaragdagan din ng P44-billion ang pondo ng National Irrigation Administration’s para sa pagtatatag ng pump irrigation at solar-driven pump irrigation projects. | ulat ni Kathleen Forbes