Solon, nababahala sa pagdami ng mga party-list na nais makapasok sa Kongreso na di naman kumakatawan sa tunay na diwa nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinabahala ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang pagdagsa ng mga party-list group na na nais tumakbo sa Kongreso na hindi naman kinakatawan ang marginalized sector salig sa batas.

Aniya kapansin-pansin na ang mga naghaing party-list para sa susunod na eleksyon ay pinangungunahan ng mga businessman, political dynasty, at iba pa na sumisira sa esensya ng party-list system.

Kaya panawagan niya sa publiko na maging mapanuri sa ibobotong party-list.

“The party-list system was envisioned to provide genuine representation for marginalized sectors in Congress. We call on the public to remain vigilant and support only those party-lists that truly represent the interests and aspirations of the marginalized and oppressed sectors,” sabi ni Brosas.

Kasabay nito kinondena ni Brosas ang pagtakbo sa Senado ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Aniya, hindi katanggap-tanggap na ang isang indibidwal na may kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at Qualified Human Trafficking ay nais makakuha ng pwesto sa gobyerno.

Ginagawa na lang aniyang katatawanan ang eleksyon.

“Allowing individuals with such garbage record to vie for public office sends a dangerous message: that power can be wielded to evade justice. We must not allow this to become a precedent in our society,” diin ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us