Nagdadalamhati ang Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Most Reverend Arturo M. Bastes, SVD, DD, Bishop Emeritus ng Sorsogon, na pumanaw sa edad na 80.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) sa pamamagitan ng CBCP News, mapayapang pumanaw si Bishop Bastes 6:30 ng umaga ngayong araw ng Linggo, Oktubre 20.
Wala pang inilalabas na detalye ukol sa pagpanaw ni Bishop Bastes.
Si Bishop Arturo Bastes ay kilala sa kanyang dedikasyon sa Simbahan at pamumuno sa Sorsogon. Naordinahan bilang pari noong 1970, naglingkod ito sa Catholic community sa iba’t ibang kapasidad bago itinalagang Obispo ng Sorsogon noong 2003.
Siya ay miyembro ng Society of the Divine Word (SVD) at naging kilalang tinig sa mga isyung panlipunan at pangrelihiyon. Nagretiro siya noong 2019 ngunit nanatiling makabuluhan ang impluwensya ni Bishop Bastes sa Simbahan. | ulat ni EJ Lazaro