SP Chiz Escudero, hinikayat ang DND na ipasa sa Kongreso ang rekomendasyon nilang amyenda sa Espionage Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senate President Chiz Escudero ang Department of National Defense (DND) na isumite sa kanila sa Kongreso ang panukala nilang amyenda sa Espionage Law.

Kaugnay ito ng naging panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga mambabatas na amyendahan ang naturang batas matapos lumabas ang ulat mula sa Al Jazeera na nagsasabing isang Chinese spy si dating Mayor Alice Guo.

Ayon kay Escudero, mainam na malaman mula mismo sa DND kung ano ang mga gusto nilang pagbabago sa batas saka nila ito pag-aaralan.

Pero kasabay nito ay ipinunto rin ng Senate leader na maaari rin itong maituring na isang ‘dead letter law’ dahil bihira lang ito magamit o maaaring hindi pa nga nagagamit sa bansa.

Ipinaliwanag ng senador na ang kasalukuyang Espionage Law ng ating bansa ay nakapaloob sa 1932 revised Penal Code at magagamit lang tuwing panahon ng giyera.

Ipinaliwanag rin ni Escudero na kailangang may element ng pagnanakaw ng isang state secret para mapatunayang may ‘espionage’ na nangyari.

Kung seryoso aniya ang DND sa pagsusulong ng mga amyenda sa batas ay dapat nila itong irekomenda sa pagpupulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) para maituring itong isang priority measure. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us