SP Chiz Escudero, pabor sa mungkahing rebyuhin ang Bicol River Basin Dev. Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang ayon si Senate President Chiz Escudero sa suhestiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na rebyuhin ang Bicol River Basin Development Project para matugunan ang pagbaha sa Region 5 (Bicol region).

Pinaliwanag ni Escudero, na partikular na naapektuhan ng proyektong ito ang Camarines Sur at ilang bahagi ng Albay.

Ipinunto ng senate president, na mayroon na rin namang mga batas at resolusyon para maisakatuparan ang iminumungkahi ni Pangulong Marcos Jr.

Panahon na rin aniyang repasuhin at i-update ang mga disenyo ng flood control projects, river control, sea wall at iba pa dahil tulad pa rin aniya ng mga nagdaang dekada ang mga disenyo ng mga ipinapatayo ngayon.

Dinagdag rin ng senador, na dapat iangkop ang disenyo ng mga imprastraktura depende sa lugar na pagtatayuan nito.

Kaugnay nito, sinabi ng senate president na panahon nang gawing climate-adaptive at climate-resilient ang budget ng bansa.

Kabilang aniya ito sa mga bubusisiin nila sa magiging plenary deliberations ng Senado sa panukalang 2025 national budget.

Maliban dito ay pagpapaliwanagin rin nila ang mga ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and National Resources (DENR) at Climate Change Commission, sa nangyaring malawakang pagbaha na naranasan sa paghagupit ng bagyong kristine. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us