Speaker Romualdez, inaasahan na ang pagdagsa ng mga mamumuhunan kasunod ng pagdalo ni PBBM sa ASEAN Business and Investment Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na matagumpay na naibida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pilipinas bilang magandang investment destination sa pagdalo nito sa ASEAN Business and Investment Summit.

Dahil dito kumpiyansa si Romualdez na mas maraming dayuhang mamumumuhunan ang dadagsa at magkaka interes sa bansa.

Sabi ni Speaker Romualdez sa pagdami ng dayuhang mamumuhunan ay makakalikha rin ng mas maraming trabaho na may disenteng pa-sweldo, magbubukas ng oportunidad para sa mga lokal na negosyo at dagdag na kita para sa pagpapatupad ng mga programa sa edukasyon, imprastraktura, agrikultura at iba pa.

“The President’s presentation at the ASEAN Business and Investment Summit sends a clear signal that the Philippines is open and ready for business. His emphasis on the country’s competitive advantages has positioned us at the forefront of investment opportunities in the region. We are confident that the results of his pitch will be seen soon as businesses respond to the opportunities that our country offers,” sabi ni Speaker Romualdez

Muli ring tiniyak ni Speaker Romualdez ang pagsuporta ng Kamara sa legislative agenda ng administrasyon upang mapaghusay pa ang pamumuhunan sa bansa at makaakit ng investors.

“We remain committed to working with President Marcos’s administration’s initiatives to provide a more conducive environment for foreign investments as part of the broader goal of achieving inclusive and sustainable economic development for the Filipino people,” sabi niya

Punto pa ng lider ng Kamara na ang pakikilahok ng Pangulong Marcos sa ASEAN business community ay inaasahang magreresulta sa pagdagsa ng mga foreign direct investment (FDI), na lalo pa magpapatibay sa direksyon ng ekonomiya ng bansa.

Bukod pa ito sa transfer of technology at skills na pakikinabangan ng mga Pilipinong manggagawa at negosyante.

“Our people stand to gain from the innovation and expertise brought in by global companies. This will not only enhance our workforce’s competitiveness but also provide Filipino businesses with access to international markets and cutting-edge technologies,” aniya. | ulat ni Kathleen Forbes