Speaker Romualdez kaisa sa panawagan para sa sapat na pondo para maipatupad ang Expanded Centenarian’s Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuportahan ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ng kapwa mambabatas na si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes na tiyakin ang sapat na pondo para sa pagpapatupad ng Expanded Centenarian’s Act.

Ang pahayag ng House leader ay kasabay ng paggunita ng Elderly Filipino Week ngayong unang linggo ng Oktubre.

Aniya, sa pagkilala sa ating mga lolo at lola ay mahalagang magtugma ang lehislatura at ehekutibo sa hangaring mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga nakatatanda sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa programa.

“I agree that the Department of Budget and Management (DBM) should consider sourcing the necessary funds either from the Department of Social Welfare and Development (DSWD) savings or from the Unprogrammed Funds of the 2024 General Appropriations Act (GAA). Given the relatively modest amount required and the urgency of delivering this benefit, tapping into these existing resources is both practical and feasible,” punto ni Speaker Romualdez. 

Pinalilinaw din ng House Speaker ang pagpapatupad ng batas partikular para sa mga senior citizen na ang mga kaarawan ay nataon sa pagitan ng pagpapasa ng batas at paglalathala nito.

Giit ni Speaker Romualdez, mahalaga na hindi maiwan ang mga senior citizen bagay na malinaw aniyang nakasaad sa Implementing Rules and Regulations ng batas kung saan lahat ng pasok na nakatatanda ay dapat matanggap ang benepisyo sa tinukoy na panahon.

Pebrero nang pagtibayin ang batas na mag gagawad ng P10,000 sa mga senior citizen kapag naabot ang edad na 80, 85, 90 at 95.

Sa ilalim ng panukalang 2025 budget naman ay pinaglaanan ito ng P3 billion. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us