Speaker Romualdez, nagpaalala sa mga botante na huwag maulit ang isa na namang Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Speaker Romualdez, nagpaalala sa mga botante na huwag maulit ang isa na namang Alice Guo

Mahalaga ani Speaker Martin Romualdez na pagnilayan at maging mapagmatyag ang 67 milyong Pilipinong botante sa mga pipiliin nilang kandidato sa 2025 Midterm Elections.

Sa gitna na rin ito ng paghahain ng mga kandidato ng kanilang Certificates of Candidacies sa lokal ay nasyunal na lebel.

Ito aniya ay upang hindi na maulit na makapasok ang mga “Alice Guo” sa ating electoral system.

Paalala ng House leader, mahalaga ang papel ng mga botante sa electoral process.

“To the Filipino voters, I encourage you to exercise your right with discernment. Your role is crucial in this process. By remaining vigilant, we ensure a future where our leaders uphold the values of integrity, competence, and a commitment to the well-being of our nation,” ani Romualdez.

Ipinaalala ni Romualdez ang kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isa pa lang Chinese national.
 
“The recent disqualification of Guo is a significant reminder of our challenges in ensuring that only qualified individuals are elected to public office. The COMELEC is crucial in accepting candidacy applications,” aniya.

Umapela rin si Romualdez sa COMELEC na bagamat “ministerial” in nature, ang pagtanggap ng mga COC bahagi rin ng kanilang mandato na tiyakin ang integridad ng electoral process. 

Kaya aniya dapat ay masusing busisiin ang mga kwalipikasyon ng bawat kandidato dahil ang institusyon ay nakabatay sa kredibilidad ng mga tatakbo para sa public office.

“Each applicant’s qualifications must be rigorously reviewed to ensure they meet the necessary legal requirements. The integrity of our electoral system relies heavily on the credibility of those who seek to hold public office,” anang lawyer-legislator.

Apela ni Speaker Romualdez kilalanin ang mga kandidato at kwestyunin ang ano mang alinlangan sa kanilang kwalipikasyon.

“Please get to know the candidates, verify their qualifications, and proactively question any doubts that may arise. We all share the responsibility of safeguarding our democracy, and by working together, we can prevent any recurrence of past issues,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us