Special Investigation Task Group, binuo ng PRO-3 kasunod ng pagpatay sa Bulacan Board Member at Liga ng mga Barangay president

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Police Regional Office-3 Regional Director, Police Brig. Gen. Redrico Maranan ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa kaso ng pagpatay kay Association of Barangay Captains (ABC) President Ramilito Capistrano at kanyang driver.

Kagabi, pinagbabaril ang mga biktima ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Krus na Ligas sa Malolos City, Bulacan habang sakay ng isang sasakyan.

Ayon kay Maranan, tinitingnan na nila ang lahat ng anggulo upang malaman ang motibo sa krimen at matukoy ang mga suspek sa likod ng pamamaslang.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Maranan sa pamilya ng mga biktima at hinikayat ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa kaso.

Samantala, kinondena na ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ang marahas na pagpaslang kay Capistrano at nanawagan din sila sa mga awtoridad na siguruhin ang mabilis na pagpapanagot sa mga may gawa nito upang agad na makamit ng kanilang pamilya ang hustisya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us