Stockpiling ng food packs sa mga rehiyong daraanan ng bagyong Kristine, iniutos ni DSWD Sec. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa banta ng bagyong Kristine na inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, halos magkatugma ng track ang bagyong Kristine sa nagdaang Super Typhoon Carina na nanalasa sa Northern Luzon.

Kaya naman, inatasan na nito ang Disaster Response Management Group (DRMG) na maagang paghandaan ang resource augmentation sa mga lalawigang matatamaan ng bagyo.

Pinabibilis na rin ang repacking ng family food packs sa National Resource Operations Center (NROC) ng ahensya sa Pasay.

“We have to make sure Field Offices 1 and 2 and CAR’s stockpiles are in full strength,” ani Secretary Gatchalian.

Sa kasalukuyan, may 94,838 boxes ng FFPs ang nakaposisyon na sa Region 1 (Ilocos Region); 113,296 FFPs sa Region 2 (Cagayan Valley Region); habang 62,360 naman sa CAR.

Nasa kabuuang 186,311 FFPs rin ang on standby sa NROC na handang i-deploy anumang oras.

Target din ng DSWD na dagdagan ang stockpile sa lalawigan ng Batanes sa tulong ng Philippine Air Force, Navy, at Office of Civil Defense (OCD). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us