Supply ng kuryente sa ilang customers ng Meralco na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine, naibalik na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagsasaayos ng mga tauhan ng Manila Electric Company (Meralco) upang maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.

Ayon kay Joe R. Zaldarriaga, Meralco Spokesperson at Head ng Corporate Communications, as of 12 NN, tinatayang 397,000 na mga customer ang kasalukuyang walang supply ng kuryente.

Ito aniya ay bumaba na mula sa mahigit 535,000 na apektadong mga customer.

Karamihan sa mga apektadong customer ay mula sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite, ilang bahagi rin ng Rizal, Quezon, Batangas, Metro Manila, at Bulacan.

Paliwanag ni Zaldarriaga, karamihan sa power outage ay bunsod ng malakas na hanging dala ng bagyo na nagdulot ng pagkabuwal ng mga puno sa Cavite at Laguna, na nakaapekto sa kanilang pasilidad maliban lang sa Valenzuela City na dahil sa baha.

Tiniyak ng Meralco, na ginagawa ng kanilang mga tauhan ang lahat upang maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon.

Bahagya lamang matatagalan ang pagbalik ng kuryente sa mga binahang lugar, dahil kailangan munang pahupain ito bago ayusin para sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us