Binawi na ng Office of the Ombudsman ang ipinataw nitong suspension order laban sa 32 opisyal na nasangkot sa isyu ng isang resort naitayo sa paanan ng Chocolate Hills.
Sa 25 pahinang desisyon ng Ombudsman, balik trabaho ang limang alkalde, 24 na barangay chairman maging ang regional director ng Department of Agriculture (DA) at Regional Director ng PNP 7 at Tourism Officer ng Bilar, Bohol.
Hindi naman kasama sa desisyon at nananatiling suspendido si Bohol Governor Erico Aumentado at 36 na iba pa.
Sa desisyon, tinukoy na ang ‘interest of justice’ at fairness na dahilan kaya inalis na ang suspensyon sa 32 opisyal.
Matatandaang lumutang ang isyu nang kumalat ang mga larawan ng Captains Peak Resort sa paanan ng Chocolate Hills isang UNESCO protected area. | ulat ni Merry Ann Bastasa