Isang maliit na phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam ang naitala ng PHIVOLCS mula sa main crater ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng dalawang minuto ang naturang phreatic activity.
Paliwanag ng PHIVOLCS, bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa Taal Volcano.
Bukod dito, nagkaroon din ng dalawang volcanic tremors sa bulkan na tumagal ng dalawang minuto.
Na-monitor rin ng PHIVOLCS ang 2,256 tonelada ng sulfur dioxide at malakas na pagsingaw na umabot ng 3,000 metro ang taas.
Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, at patuloy ang babala ng ahensya sa mga posibleng panganib sa bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa