Umani ng ilang pagkilala ang Taguig City Local Governent Unit bilang isa sa natatanging siyudad sa Pilipinas na may Outstanding Performance on Local Revenues.
Kabilang sa kanilang nakuhang parangal ay ang mga sumusunod:
•Third Place in Local Source Revenue Collections for Fiscal Years 2022 and 2023;
•Fourth Place in Yearly Growth of Local Source Revenues for Fiscal Year 2022;
•Fourth Place for the Ratio of Local Source Revenues to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2022;
•Fifth Place for the Ratio of Local Source Revenues to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang naturang mga pakikala ay bunga ng maayos na polisya ng Taguig sa pagkalinga sa mga namumuhunan sa lungsod.
Sa huli, muli namang siniguro ng alkalde na magpapatuloy pa ang kanilang mga programa sa maayos na pangongolekta ng buwis at ang pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng bawat Taguigeño.| ulat ni AJ Ignacio