Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaroon ng mga preventive measures upang labanan ang karahasan sa mga bata.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ang prevention ay isa sa mga susi upang matiyak na maprotektahan ang mga kabataan sa pang-aabuso.
Aniya, kabilang sa mga programa ng DSWD ang Parent Effectiveness Service (PES) Program na naisabatas noong 2022 batay sa Republic Act (RA) No. 11908.
Nilalayon ng Programa na asistehan o tulungan ang mga magulang at parent-substitutes sa pagbibigay ng kaalaman sa pagpapalaki ng bata.
Ipinapakita din dito ang tamang gabay sa pagiging isang mabuting magulang, kaakibat ang responsibilidad na nakasalalay dito.
Bukod sa PES, nakapaloob din sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kailangang ang mga beneficiaries ng programa ay lumalahok sa family development sessions (FDS).| ulat ni Rey Ferrer