Sumailalim sa pagsasanay kaugnay ng Basic First Aid ang tatlumpung mag-aaral mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang sa Polo South Elementary School, Brgy. Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon kamakailan.
Ayon sa Pagbilao MDRRMO, nilalayon ng aktibidad na maturuan ang mga bata ng wastong paraan sa pagbibigay ng paunang lunas upang makatulong hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa kanilang paaralan at komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay sa pagsasanay ang Cardiopulmonary Resuscitation o CPR, na pangunahing paraan sa pagbibigay-buhay sa mga tumigil ang paghinga; pagtugon sa pagkabara ng daanan ng hangin o choking; wastong pangangalaga sa paso o burn; at pagtugon sa mga pinsala sa ulo.
Ang pagsasanay ay bahagi ng disaster preparedness efforts ng LGU at MDRRMO. | Ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena