Regular na nagsasagawa ng Tax Information and Dissemination Campaign ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region No. 15, katuwang ang mga district offices na nasa ilalim ng RR 15, upang ipabatid sa publiko ang kanilang obligasyon hinggil sa pagbayad ng buwis.
Ayon kay BIR RR15 Regional Director Atty. Aynie Mandajoyan-Dizon, nagsasagawa rin sila ng roadshow at barangay-to-barangay information tax campaign sa pamumuno ng kanilang district offices.
Tulad na lamang aniya sa lungsod ng Zamboanga, kung saan napakalawak ng coverage ng kanilang district office dahil binubuo ang lungsod ng napakaraming barangay.
Isinasagawa, ani Dizon, ang nasabing inisyatiba ng BIR kada barangay o by cluster sa lungsod. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga