Nadismaya si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa sa pagpapatigil ng paggamit ng mother tongue bilang medium sa pagtuturo mg mga mag aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Aniya, ang pag alis sa mother tongue bilang medium of instruction ay isang hakbang paatras sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon at tila pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura na mayroon ang ating bansa.
Imbes aniya na alisin ito ay dapat pa nga aniya suportahan ng pamahalaan ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) program at palakasin ang implememtasyon nito.
October 10 nang mag lapse into law ang Republic Act (RA) No. 12027 kung saan babalik na sa Filipino at English ang lengguahe sa pagtuturo sa K to 3 habang ang mother tongue ay magiging optional. | ulat ni Kathleen Forbes