Nag-motorcade ang team Sali mula sa kanilang tahanan sa Kasulutan, Bongao, papuntang tanggapan ng Comelec-Tawi-Tawi upang isumite ang kandidatura sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy.
Tatakbo muli sa parehong posisyon si incumbent Rep. Hadji Dimszar Sali, ang pinsan nitong si incumbent Vice Governor Al-Syed Sali para sa ikalawang termino, at ang incumbent governor ng lalawigan para sa huling termino.
Si aspiring governor Sali ay naging alkalde ng tatlong termino sa bayan ng Languyan bago naupo bilang gobernador ng Tawi-Tawi. Makakalaban niya si Ruby Sahali na naging assemblywoman, vice governor, at kongresista ng partidong Aksyon Demokratiko.
Kasama nila ang kumpletong lineup ng board members kung saan apat sa District 1 at parehong bilang din sa District 2; sila ang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas sa lalawigang Tawi-Tawi. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi