Maaari nang mag-angkat muli ng mga buhay na kambing mula sa Estados Unidos matapos alisin ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban.
Matatandaang ipinatupad ang pansamantalang pagbabawal nito dahil sa pagkakadiskubre ng Q fever sa ilang imported na kambing mula sa US.
Naging dahilan ito para patayin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mahigit limang dosena ng kambing upang hindi kumalat ang sakit.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, binawi na ang kautusan matapos tiyakin ng Department of Health na hindi nagdudulot ng malaking banta sa kalusugan ng publiko ang Q fever.
Kaugnay nito, nagpatupad na rin ng mas mahigpit na mga hakbang ang BAI, kabilang ang pagsasaayos ng “pre-border measures,” upang masigurong makokontrol ang posibleng pagkalat ng sakit. | ulat ni Diane Lear