Temporary traffic flow, ipatutupad sa paligid ng Quezon City Hall ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang Quezon City LGU na magpapatupad ito ng temporary traffic flow sa Quezon City Hall compound ngayong Lunes, October 21, para sa seguridad sa nakatakdang 6th State of the City Address (SOCA) ni Mayor Joy Belmonte.

Epektibo mamayang alas-10 ng umaga, isasara sa mga motorista ang Gate 1 – Elliptical Road sa pagitan ng lagoon at QC Hall Plaza; Gate 2 – Elliptical Road sa pagitan ng QC Hall Plaza at Eco Trail.

No parking naman ang paiiralin o bawal pumarada sa mga sumusunod na lugar:

-Gate 2 (Both sides)
-Gate 10 (From Gate 1 to East Avenue Gate)
-From Gate 2 to QC Public Library Building
-Along Mayaman Street from Kalayaan Street (Gate 4) to Civic Building D (Both sides).

Tanging ang Gate 3, 4, 6, at 8 ang mananatiling bukas.

Pinapayuhan ang mga empleyado ng City Hall (maliban sa mga persons with disability at senior citizen) na pumarada mula sa loob ng Quezon Memorial Circle. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us