Naglatag ng kanyang 8-point agenda si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Jose Francisco “Kiko” Benitez kung saan tinawag niya itong “TESDABest” plan.
Ang naturang plano ay naglalaman ng kanyang eight-point agenda na kinabibilangan ng:
*Access to technical vocational education training o TVET;
*Behavior and mindset change;
*Competency standards and TRs for new and higher-level qualifications;
*Demand-driven and data-driven TVET;
*Employment outcomes;
*Flexible learning, and facilities;
*Global competitiveness,
*Good Housekeeping; and harmonization with SHS curriculum, ladderization with higher education, and lifelong learning pathways
Paliwanag ng opisyal, ang nasabing 8-point agenda ay patungkol sa pagbabago ng TVET system para maging TESDABest.
Aniya, ito ay ang pag-rationalize ng TVET program, pag-optimize ng TVET delivery, at pag-maximize ng epekto ng TESDA sa lahat.
Layon din aniya ng kanyang agenda na mabuksan ang buong potensyal ng mga Pilipino na kinakailangan sa tinatawag nitong “fourth industrial revolution”. | ulat ni Lorenz Tanjoco