Tinaguriang ‘godfather’ ng POGO sa Pilipinas, Cassandra Ong, at Alice Guo, dapat pagharapin — QuadComm Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers na maimbitahan sa pagdinig ng kanilang komite ang tinaguriang “godfather” ng POGO sa Pilipinas na si Lyu Dong.

Huwebes nang mahuli ng mga awtoridad sa Laguna si Lyu na siyang “big boss” ng ipinasarang POGO hub sa Porac, Pampanga na Lucky South 99.

Ani Barbers, magandang pagharap-harapin si Lyu, dismissed Bamban Mayor Alice Guo, at si Cassandra Ong na siyang authorized representative ng Lucky South 99.

Naniniwala si Barbers na mayroon pang maaaring isiwalat si Lyu ukol sa POGO.

“Papaharapin natin sila, pagtatabi-tabihin natin si Alice Guo, si Cassandra Ong, si Lyu Dong and the other personalities na may kinalaman sa operasyon ng POGO dito,” sabi ni Barbers.

Batay sa impormasyon ng PAOCC, si Lyu, na ang tunay na pangalan ay Lin Xunhan ay may kaugnayan rin sa Hongsheng Gaming Technology, na kalaunan ay naging Zun Yuan Technology.

Mayroon din anilang kompanya si Lyu sa Ilocos Sur at namamahala ng illegal online activities sa Calabarzon at Central Visayas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us