Bilang paghahanda sa dagsa ng mga motorista sa Undas nagpakalat ang Toll Regulatory Board o TRB Road Safety Team para magbantay sa sitwasyon ng trapiko at suriin ang kahandaan ng Toll Service Facilities.
Layon nitong magbigay ng ligtas at maginhawang biyahe sa lahat ng mga motorista.
Ayon sa TRB, mayroon ding 24/7 Emergency Vehicle Repair Service, Security Patrol, at First Aid Stations.
Bukas din ang Digital Media Office at Public Assistance Team ng TRB para tumugon sa mga tawag at magbigay ng mga update sa social media.
Ilan pa sa mga hakbang na ipinatutupad ay ang mga sumusunod:
-Pagbubukas ng lahat ng toll lanes
-Pagpapatupad ng counterflow kung kinakailangan
-Libreng towing para sa Class 1 vehicles
-Pagtatayo ng Motorists Assistance Stations at iba pa.
Katuwang ang mga Tollway Concessionaire at Operator, ipinapatupad ng TRB ang “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024” ng Department of Transportation.| ulat ni Diane Lear