Patuloy na isusulong ng Trade Union Congress of the Philippines ang pagsasabatas ng P150 na umento sa sahod para sa mangagawa sa pribadong sektor.
Ito ang inihayag ni TUCP Legislative Officer Carlos Miguel Onate kasabay ng kanilang paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance.
Nanawagan si Onate kay House Speaker Martin Romualdez at Committee on Labor Chair Fidel Nograles na isagawa na ang pang apat na hearing o pagtalakay ng komite para sa legislated wage hike at maaprubahan na ito ng kongreso.
Diin nito, bagaman kaalyado sila ng administrasyon, patuloy ang laban ng TUCP para sa pagtataas ng sahod ng mga mangaggawa. | ulat ni Melany Reyes