Pinaplantsa na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga paghahanda sa panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, makikipagpulong na sila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno simula sa susunod na linggo.
Pinagsusumite na rin ng MMDA ng traffic plan ang pamunuan ng mga mall sa National Capital Region (NCR).
Pinag-aaralan din ang muling pagbabawal sa mall-wide sale tuwing weekdays at adjustment sa operation hours ng mga mall partikular na sa EDSA.
Samantala, abala na ngayon ang MMDA sa pagtulong sa paglilinis ng mga pampublikong sementeryo sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas.| ulat ni Rey Ferrer